Unang-una, sablay ang timing.
Kung kailan pa-bakasyon ang mga tao (at umuulan pa) ay tsaka sya magtatawag ng rally. Hindi kasama sa bilang ang regular rally-goers at mga hakot, ang uprising na mala-EDSA ay magagawa lamang kapag ang ordinaryong taong nag-oopisina sa Makati ay makikisama.
Sablay rin ang timing dahil sa wala namang nangyayari. Ang unang EDSA ay bunga ng pagtiwalag nina Ramos, yung pangalawa, sa pagsayaw ni Tessie Oreta, yung pangatlo, sa pag-aresto kay Erap.
Eh ito? Hearing ni Trillanes? Please lang.
Pangalawa: naglabas pa sila ng website na yun at yun din naman ang laman.
Oo, alam ko na nandaya si Gloria. Oo, alam ko na may kultura ng korapsyon. Tangina dito rin ako nakatira. (Para bang gulat na gulat pa kayo, ngayon lang ba kayo nagbasa ng dyaryo?)
Ito ba ang solusyon? Isang tangka na ulitin ang EDSA? Lightning in a bottle yun, di mo basta-basta maoorchestrate.
Basta kami mag-iinuman mamaya. Pinoy eh.
* * * * *
From the inquirer.net reports
“Dumaan tayo sa tamang pamamaraan [We passed through the right processes]. Elected pero wala ring nangyari [We were elected but nothing happens]. They voted for me so that I can speak up for their rights and our advocacies,” said Trillanes, referring to his election as senator last May.Ano ba'ng akala mo, magbabago ang lahat oras na malagay ka sa pwesto? Konting EQ naman, tol. It takes time to effect change.
“Tingnan niyo yung ginagawa nitong administrasyon [Look at this administration], you have to witness their ruthlessness…they're even ready not to spare the lives of mediamen,” said Trillanes.
Pot, kettle. Someone who's held two hotels hostage has no right calling anyone ruthless.
Ikaw ang nagsimula eh. You're like a boxer who's complaining that the other guy is hitting back.
No comments:
Post a Comment