Monday, February 19, 2007

Huwag ka na mag-drama, umalis ka na lang

Kung aalis ka, umalis ka na lang. Huwag ka nang magdrama pa. Hindi ka naman namin sisihin kung mas gusto mong magtrabaho't manirahan sa ibang bansa. Kung yun lang ang paraan para ma-fulfill mo ang pangarap mo, sino ba naman kami para pigilan ka?

Pero please lang, huwag ka nang magpre-press release na pag nanalo si ganito o nanalo si kuwan sa eleksyon ay aalis ka. Ipinapasa mo lang yung responsibilidad eh. Imbes na desisyon mo, ang gusto mong palabasin kasalanan pa namin kaya napilitan kang mag-abroad.

No comments: