Wednesday, October 03, 2007

Racist?

Hindi yan racial slur kung hindi race ang tinitira.

Para kayong si Carlo J. Caparas, na pinapamagatang "massacre" ang lahat ng pelikula niya kahit isang tao lang ang namatay. Massacre of logic and language tuloy ang kinalabasan ng mga pelikula nila ni Donna Villa (God save us).

Hindi yan racial slur kung hindi race ang tinitira. Kapag sinabi ni Susan sa "Desperate Housewives" na duda siya sa doktor (na puti, BTW) at gusto niyang siguraduhin na hindi galing sa Pilipinas yung diploma, and pinatatamaan niya (kung meron man) ay yung sistema ng edukasyon ng bansa natin. Kung sinabi niya na ayaw niya ng Pilipinong doktor dahil _____ (insert stereotype here) sila, ayun, maaring racist yun. Pero yung joke kasi ay nakasalalay sa ideya na malayong bansa ang Pilipinas (third-world pati) na nagpapadala ng napakaraming health care professionals sa Amerika. (Di ba't may mga Pinoy na nurse na nga sa "E.R.?") Ang isang tatanga-tangang karakter tulad ni Susan ay within character lamang kung medyo duda siya sa eskwelahan ng ibang bansa.

Ang tanong ay kung makakaapekto ba ito sa pagtingin ng mga Amerikano sa mga doktor natin dun. Hindi naman siguro. May board exams na dapat ipasa ang mga doktor doon at yun ang magpapatunay ng kwalipikasyon nila. Que se hoda pang sa unibersidad sa Siquijor* galing yung diploma mo, kung board passer ka dun, pwede kang manggamot.

Ngayon, sa mga nagsimula ng petition: sinasabi nyo bang ganun katanga ang mga Amerikano at hindi nila madidifferentiate ang katha lamang sa telebisyon at tunay na buhay?

Baka kayo ang racist.


----------
* O, joke lang ha? Siquijor is just a random term representing a far-flung island province in the Philippines. That's part of the joke's structure. Aswangs notwithstanding, I have nothing against Siquijor, its people, or its medical schools (if any).

3 comments:

starlitgrove said...

Tama! (sa tono yun ni Erning ni Tado) Wala akong masabi, bull's eye.

Johann said...

yeah, i totally agree. nakakairita nga yung pagka-oa nung mga nagagalit na filipino sa show. yung iba pa, nagagalit kay teri hatcher, eh di naman siya gumagawa ng script. youtube clips were even named "Teri Hatcher insults Filipinos."

actually, the scene was quite funny. masyado lang insecure na ewan yung mga ibang tao dyan.

alwaysanxious said...

Marami kasing basta makarinig ng salita na ang dating ay negatibo, hindi muna iniisip ang konteksto o kung saang perspektibo nangagaling ang bumigkas (o nagsulat). Todo react agad na wala rin sa koteksto.